GuGmaGiatay

jUSt AnOTHER eKLavu!

BINIBINING PILIPINAS 2013 GOLD FTW!

Binibining Pilipinas Gold Observation…

1. Masyadong OA ang papuri kay Madam Araneta. #diposyacontestant
2. Malaki ang exposure ni Ruffa G sa video presentation kesohadong di naman nya nauwi ang k0rona ng miss world. #epal awardee
3. Bakit feeling ko ang suprational ay contest ng mga taga ibang planeta? Sayang si Ms. Datul sa kanya ang title na #UNKNOWN TO MANY KNOWN TO ALIEN.
4. Nakakairita ang creamsilk. #hardselling
5. Maganda ang sagot ni Pia pero di sya mananalo kasi maputi sya.
6. Maraming nagtaka sino ang lalaking kumanta sa evening gown portion. Bakit hindi English or tagalog ang song na ginamit? Ano ba ang gustong patunayan ni Madam Araneta? #cozitdoesntmakesense
7. Nagkakaubusan na ba ng gwapong singers sa ABS or dahil ang totoong singers ay di tlaga totoong lalaki kaya di sila ang pinakanta sa long gown portion?
8. Maraming galit kay Mariel de Leon (anak ni Christopher de Leon) dahil sa kanya di nakapasok ang bet nila #showbizconnection
9. Si Ms. Gloria Diaz ang may panalong tanong na di kayang sagutin ng world peace…”if someone can be a good Catholic if they believe in the RH bill” #nowondershesmissuniverse
10. Si Martin ay parang ang atat na atat na sumagot sa Q & A portion
11. Si Dawn Zulueta ang totoong winner sa ganda sa gabing ‘yun.

Bb.-Pilipinas-2013-50-Candidates

KURAP ka ba?

Dahil sa walang ka kwentang kwenta pag- ibig, pinaglalamayan na naman ng utak ko ang aming hiwalayan. This time my MIND goes political.

Lahat tayo corrupt or halos lahat sa atin ay “kumukurap kurap” . Ang pagiging buwaya ay parte na yan sa ating dugong Pilipino at di mo lang yan namamalayan dahil di ka naman congressman or in public service or alang pumapansin or harapang tumutuligsa sayo. Naman! knowing ur friends halos lahat naman ata ay nag doctorate sa kaplastikan 101.

“Nice ba ang dress ko?”

“Maganda ba ako”

Kahit alam naman ang sagot tinatanong pa!

Going back…pag corrupt di ibig sabihin pera kaagad. Mas malala pa yung ninanakaw natin sa ibang tao.. yan ang O R A S or  T I M E, bitch!

Aminin man natin o hindi lahat tayo mahilig manghingi ng pabor sa mga kaibigan or kakilala natin or ang malala pa dun kung ayaw mong pumila nagbayayad na lang tayo sa iba para sila ang gagawa para sa atin.

Di mo napapansin or sadyang insensitive ka lang, sa bawat favor na hinihingi natin may mga less unfortunate na tao na ninanakawan natin  ng oras. kawawa sila.  Minsan ang mga pobreng tao na yan na walang konesyon or walang pera pambayad sa fixer naghihintay ng ilang araw para makuha ang dapat nilang makuha. Naantala ang proseso ng employment nila or ano pang kabutihan na ginagawa nila sa buhay dahil inuuna yung sa atin di naman dapat.

Ang pagiging corrupt  sa oras naging dahilan ng mga negligence or ignorance na minsan nagiging cause pa yan sa kamatayan ng ibang tao! Sampol na lang dyan pagkuha ng drivers license! Wag mag deny pero halos lahat sa kakilala natin dumadaan sa fixer! Sad to admit, yung mga friends ko na iskolar ng bayan pa man din ginagawa din yan! Hayun tuloy basic rules ng traffic or signs di alam kaya ang ending W A S A K, B A N G ! ! !

Kaya minsan tuwing nakikita ko ang mga taong nagrereklamo or tumutuligsa sa mga politiko na corrupt tumataas na lang ang kilay ko. Para maging OK tayo, Marunong pumila. Marunong sumunod sa rules. Patience is a virtue.  Iwasan ang palakasan system. Higit sa lahat MARUNONG RUMESPETO SA ORAS NG IBANG TAO!

 

ANG LAKAS MAKA ANNE CURTIS!

Gugma,

Hanggang sa huling pagkakataon gusto kong isisi kay Anne Curtis ang pagtatraydor ng asawa ko. Nagkakaroon ng lakas ng loob ang mga haliparot na yan dahil sa NO OTHER WOMAN.

Putragis na Anne yan! Seriously, mahirap maka move on pag minahal mo ang tao. Ang hirap i- justify ang mga pangyayari dahil alam mo sa sarili mo na nagampanan mo naman ng tama ang papel sa relasyong ito. Nagpapakatanga ka at nagpapa alipin ka para masabing you also CARE for him. Ginagawa mong Manila to Bulacan lang ang Cebu just to attend his private affairs or barkada gimmicks na saksakan naman ng kababawan ang mga pinag uusapan. Napipilitan kang bumili ng mamahalin at magagarang damit para naman di ka kahiya hiya tingnan sa harap ng mga social climber friends nya  na alam mo sa sarili mo na mas malaki pa ang sweldo ng office messenger mo kaysa sa kanila. Nakikipag beso beso ka sa mga kamag anak nya na may tigidig sa mukha just to show to them na kung sino man ang mahal nya mahal mo rin. At dahil gusto mong magpa impress sa kanila, minsan pati mga kapatid nya nagpapatulong sa pag gawa ng term papers na ang ending ikaw din naman ang gagawa pala lahat lahat!

FOR LOVE, we do the IMPOSSIBLE THINGS. Pero buti naman di ako umabot sa punto na pati brip nya lalabhan ko or maghugas ng pinggan at lutuan sya…Nagawa na kasi nyan ng besfriend ko. Imagine for someone like him na may PHD at milyonaryo nagawa nya ang ganung bagay sa isang 20 year old goodlooking guy and out of school youth pa. Hanggang ngayon sising sisi sya sa kanyang ginawa! ang cheap!!

But the shiittttesst thing about this break up is pinagpalit ka pa sa isang ka cheapan na kapitbahay mo!      F U C K THAT B I T C H ! Yes dear nakatira nga tayo sa isang building pero di naman ako katulad sayo na nakikipag siksikan sa isang kwarto para masabi lang nakatira ka sa isang condo unit. Di ko alam kung anong meron sayo kasi sa pagkakaalam ko kumakatok ka sa unit ko para makilagay ng pagkain sa ref or nakikitambay balcony para magpa picture! Beauty wise, u are just a cheap looking person na favorite atang gamitin sa mukha ay chin chun su.

For my ex, even if you would say sorry a million times, you break our rules. i can always forgive but i can never forget. Siguro nga out of 7 billion populasyon sa mundo and out of 100 million na tao sa pinas, ikaw ay isang pagkakamali.

Idadaan  ko na lang ang pangyayari ito sa buhay ko ang makinig sa full album ni Britney Spears. Baby One More Time.

The other night…

The other night nakita namin ang bagong bukas na bar na P  R  I M E at dumaan kami sa Jolavilla Fashion Collection sa tomas morato Nakita ko ang Dior sunglasses

Me: Ay ang mahal naman dito kahit fake. So Ms. is this fake ba (sabay turo sa dior)? 

Matabang saleslady: Quadruple po yan. 

Me: What do u mean? Parang yung class A lang ganun?

Matabang saleslady: Di po sir parang mas higher sya sa Class A

Me: Ahh so fake nga to
 
Matabang saleslady: Di po sir. Quadruple po kasi tawag nila. Parang malapit lapit na po sya sa original

ANo kaya yun? Tinimbang ka ngunit ko lang?? ahhahaha

God..di ako maarte pero please

Dear God,

Alam kong masyado na akong pinagpala at sino mang nasa lagay ko ay maiinggit (hahah feeling!!!). I am not complaining this time or asking for more. this is is just a simple request or opinion or suggestion. Ito’y para sa natatangi kong pag- ibig. pwede ba akong mag inarte, God?

sana naman sa kahuli hulihang pagkakataon, ipagtagpo mo naman ako sa taong totoong minahal ko ng lubos (waaaaa!!!), nainiyakan ko ng bonggang bongga na kulang na lang lumabas ang tae sa mga mata ko. bakit gusto ko syang makita? wala lang, i guess its about time na magkaroon na ng closure ang lahat (tama di ba???). nakakapagod na ring maghintay sa wala. ayoko ng seryosohon ang mga ilusyong pangako nya na ibibigay nya ang lupa at langit upang kami twina’y magkapiling. syet! nabagok na ako sa realidad na di pwedeng magsama ang mukhang mayaman at mukhang chima- aa😉 so sana naman this year na please.. ang pagwawakas ng una kong pag- ibig..oops i am not complaining ha..request lang po to…walang pwersahan! karma karma lang yan! heheheh

sana naman pag nag pray ako ng ideal person for me wag mo naman akong bigyan ng walang laman ang utak. di ba remember december 25, 2009 pinagtagpo mo kami ng ideal person ko. matangkad, di kaputian, may hitsura, at higit sa lahat ilonggo. pero wapak! wala namang sense kausap! habang nakahiga kami sa isang malambot na kama..family and science ang topic then kwento ng kwento sya ng accounting at kung saan saan napupunta ang mga kamay! ang laswa!

sana naman every break up bigyan mo naman ako ng moment na mag emote kahit 1-3 months lang. grabe ka naman di pa nga nagtatapos ang relasyon ayan may dumating na namang bago. eh di ba turo ng matatanda bawal tumanggi ng grasya? so wag niyo sana akong sisihin sa pagiging polygamous ko minsan (clarification before yun).

sana naman sa mga darating pa na tao sa buhay ko, pwede bang utusan mo naman si cupido na pagsabihan ang recruitment nila na wag muna puro call center agents ang i- endorse nya sa akin. wala bang ibang propesyon? last year halos 5 from bpo industry and this year naka tatlo na ako call center agents pa rin at pati ang bago ko ngayon from stylist then nag call center na rin! goshes! alam mo naman ang mga karamihan sa mga taga call center (no offense meant), parang natikman mo lang ang isang agent sa let’s say etelecare or people support eh parang natikman mo na rin ang lahat ng agent sa company na yan! lol

for a change ayoko na ring mag inarte, pwede na sa akin ang katulong with american accent , kargador na walang kalyo, or kahit na construction worker but make sure lang po na photogenic para naman di nakakahiya mag press release dito sa fb ng mga pics nila. alam niyo naman po dito sa fb pwedeng ma edit ang estado mo sa buhay as long as maganda lang ang mga pics mo!

again, i am not complaining or anything. alam kong super blessed na po ako! i am so thankful about it dear God. magsisimba na rin ako mamaya para sigurado! baka kasi busy po kayo at di kayo makapag log – in dito🙂

COACHELLA AT CARICATURE

di ko alam if dapat ba akong matuwa dahil in my 27 years of existence napunta na rin ako sa Power Plant Rockwell. Na convince lang ako na mag go dun sa COACHELLA at ROCKWELL na may summer bazaar daw dahil sa 50% entrance fee for fitness first member! SO INSTEAD OF 100 PESOSES u just have to pay 50 pesoses BUT walang kwenta ang discount dahil nakalimutan ko ring dalhin ang card ko! parang tanga lang di ba? Basta nakakadismaya ang mga pangyayari most items sold were for women. paano naman ang paminta na katulad ko aber? mas lalo akong nag emote ng magpa drawing ako sa isang artist na si james2011 (yan ang nakakatatak sa display nya) or magpagawa ako ng caricature. iba ang kinalabasan sa naiisip ko. ang pinabago ko lang sa kanya na gawing afro style ang buhok ko dahil semikal nga ako. buhok lang ang pinabago ko pero mukhang lahat ata ang niretoke. tumanda ang mukha ko gayong mukhang college boy lang naman ako tingnan sa totoong buhay. ito ang ginawa nyang caricature at kayo na ang humusga!

dearest kuya willie

nakakaloka ang mga eksena. sa simpleng pagsayaw ng macho dancing ng isang Janjan, nagulo ang mundo ng twitter at naging pulutan pa itech sa mga taong tambay sa kanto, sa gym at kahit na sa trabaho.nakaka bwisit dahil napupuno na ang inbox ko sa isyung matagal na sana nailibing kung nag sorry na lang sya sa madalang people. dapat nag ala Kris Aquino na lang sya na buong ningning na sinabi sa sanlibutan na may STD sya. Mas malala pa nga ang rebelasyon ni Ate Kris at ngayon di man lang na apektuhan ang tiwala ng advertisers sa kanya at pati sa taong bayan.

Poor you kuya willie. Talagang di nya ugali ang magpakumbaba. Masyado syang emotional na tao. Cool lang Kuya! Marami ka ng na experience na mga ganitong eksena pero haggang ngayon di mo pa rin mawari ang iyong pagkakamali.gusto ko pabang banggitin si Mother Cory? I always believe n u that you dont have bad intention to others at hangad mo lang na ma entertain kami sa iyong programa. Nandyan na tayo…

PERO, dapat siguro pagtuonan mo ng pansin ngayon paano ma improve ang iyong hosting skill. Nasasangkot ka sa mga kontrobersiya dahil HINDI mo alam ano yung mga bagay na dapat bigyan ng entertain value or mga bagay na dapat na maging seryoso tayo. Hindi ibig sabihin na kung nakikita mong tumatawa ang mga audience ok na ang ginagawa mo. heller! baliw naman siguro ang audience na magrereak ng negative sayo pag alam nyang mali ang ginagawa mo. nakakatakot ka kaya :=) with smiley face..hehhehe

Sa pamunuan ng tv5 dapat siguro magkaroon ng short class or orientation on how to become an effective host para di na maulit ang mga ganitong pangyayari. tularan nila si Sir Manny Pangilinan..ang dami daming problema sa mundo pero nakikisangkot pa ang mga ganitong issue. For some parents, dapat din tlaga na maging responsable tayong mga magulang. Isipin ninyo ang kinabukasan ng mga anak mo. Maaring maraming natutuwa sa pinag gagawa ng inyong mga anak pero isipin niyo rin sana that 5 or 10 years na magkaroon na sila ng pag iisip matutuwa kaya sila sa kanilang ginawa? maaring ito pa ang mga dahilan na bumagsak ang self esteem at mapariwara ang buhay dahil sa panunukso ng mga classmates nila. Sana rin wag gawing kasangkapan ang kahirapan sa mga ganitong eksena.

PEACE everyone! Relax lang tayo ha…cool lang dapat!

Nestle 100 Years “Pag-Ibig”

i never thought i felt bad this way (inglis yan ha). sabi ng mga walang kwenta kong dabarkads the truth will set u free but does the revelation can make  me happy (sure??)..???? nasabi ko ‘to when i saw this tvc from nestle ang “Pag- ibig” and goshes at age 27 i came to question if i really made the right decision to tell to the whole wide world that yes i am different, i love men or homosexuals i love  dating and sex with them. it was such a liberating experience to finally  admit your status. then again, the commercial shows about love of opposite sex from puppy love hanggang sa nauwi sa kasalanan then hanggang sa pagtanda they’re still together. and that tvc experience im sure wont happen to me anymore. and starting to feel sad that if i wont get married il end up being alone and wont witness lil kids playing in front of me and they’re busy with hide-and-seek-game. but siguro if i live in a closet life,  things will turn out to be better. i know some friends who are married closet homosexuals and  sometimes i couldn’t help to feel insecure. i guess having a wife and children can make me happy. i thought money can somehow ease the pain and kill my loneliness but i prove it wrong. just watching the commercial i felt pity of myself. see the video below🙂

i

I AM BACK!

yahhoooo!!! mukhang ang pagkain ng pekeng tsokolateng Mayfair ay nakatulong upang ma recover ko ang password ng first blogsite ko. hmmmmm sooo overly shocking to find out that umabot ng 26k blog hits with an average of 80 views per day considering that sept six two – O – O – nine…salamat readers! WAIT, SAN ba ako sa mga araw na nawala ako dito?  yes, nag aral ako ng bonggang bongga para naman ma promote ako sa kompanya at medyo nahibang din ako sa potograpiya! naglilibot libot ako sa pilipinas for booking…pero walang tsuktsakan tienes ha…wholesome na ako ngayon! hehehheh so ito ang isa sa lugar na aking napuntahan at na enjoy in a major way!

 

caubian island, cebu. super bongga ng place na yan! at feel ko nga ang yaman yaman ko dahil koreans and japanese mga nakasabayan ko. ako lang ang amoy lupa dito!

more places and pictures to come….

ooh sya..alis na ako medyo pagod na ang beauty ko…

 

sa huling paalam

Hanggang sa kahuli hulihang pagkakataon, patuloy mo pa rin akong sinosorpresa. This time, nasasaktan ako. Umalis ka bigla na di mo man lang ako binigyan ng moment to shine. Mahaba ang goodbye speech na ginawa ko pero wala na tong silbi. Kung saang mapa ka man ng pilipinas or mundo ngayon, hopefully makarating ang blog na ito sayo. I’m praying na sana nga hurt ka pa rin until now para tabla din tayo. Sana nga nagluluksa ka pa sa nga pangyayari para may karamay naman ako. Okey fine heto na…

Ilang taon din ang tinahak ng ating away- bati na relasyon, para tayong bata naglalaro ng hide and seek. Tago ng tago, natatakot na baka mahuli ng iba at mabisto and worst maitakwil ng family at mawalan ng mana. Pero nag OUT na ako sa iba, ikaw lang naman ang arte arte mo kasi akala mo pangulo ka ng pilipinas or si Piolo Pascual na lahat nakatingin sa pagkakamali mo. Pero wala na tayong magawa nangyari na ang di dapat mangyari, umandar ang tupak natin na di kayang gamutn ng antibiotic.

I still wanna say thank you kahit na maypaka superiority complex ka patuloy mo pa ring inuunawa ang mga need ko sa buhay. Di mo kaya ang TIME na demand ko kaya ok lang sayo na may relasyon akong iba. Okay lang ako sayo na ikaw nagbabayad ng bills sa bahay kahit na iba ang kasama ko sa kwarto. Okay lang sayo na in a month di tayo magkita kasi mas inuuna ko ang out of town gimik with my dysfunctional friends. Okay lang sayo na hanggang ngayon patay na patay pa rin ako kay Ebler (my first love).

Pero im sure you would agree na fair naman ang lahat di ba? Ikaw nga super mag demand. Didn’t you remember na nilasing ako ng isang bayaran mong walang kwentang kaibigan para lang sa surpise anniversary sa tuktok ng Busay (Cebu)? The hell!!!! Bravo! napaka romantic nga ang ginawa mo pero dahil dun muntik na akong bumagsak sa socio101 at mawalan ng scholarship. Bitch! At eto pa, na hold up pa ako sa madaling araw dahil you failed to fetch me sa Dunkin Donuts na akala ko nga eh etchos lang ang hold up na yun pero totoo pala! Sometimes nakakainis ang mga surprises mo ha!napaka morbid mong tao!

My Fears

Prangkahan nato, ngayon, unti unti kong nararamdaman ang takot. Natatakot ako dahil pag wala ka na baka di ko kayang i- handle ang finances ko, mas lalaki ang gastos ko kaysa sa monthly income ko, baka maubos ang savings ko’t mamulubi at hanggang sa maging taong kalye na lng ako. Natakot ako baka mali mali ang mga gamit na mabili ko (alam mo naman bad taste ako sa mga bagay bagay), baka pangit ang laptop na gusto ko, and etc., Natatakot ako baka i’l be dating the wrong guy and i end up with swollen heart. Nasanay na akong ikaw ang nag criticize sa mga taong nakakasalamuha ko at kung sino ang pang sala or pang kama.

Missing you

kagabi, namiss ko ang pangungulit mong tawag pag nasa partee scene ako. Kaninang umaga, mimiss ko ang walang kwentang luto mo sa breakfast food, ang mga litanya mo sa bahay dahil di ako marunong maglinis, ang walang sawang panonood ng sassy girl na magkasama tayo while gumagawa ka ng business plan mo, ang foot spa at pedicure session , ang mga nakasabit na underwear sa banyo, at walang sawang tuksuhan.

Di ko na ulit mararanasan ang mga ganung bagay. ilang oras na lang ikakasal ka na. iakakasal ka na sa taong gusto ng parents mo and hopefully gusto mo rin. Sana nga di baog ang girlalu para naman mabigyan ka ng dosenang anak. Sana nga di sya magsawang unawain ang pagiging brat mo paminsan minsan at ang pagiging utak bolinao mo. Sana nga di sya mapagod sa kaka appreciate sa mga luto mong masagwa ang lasa. Sana nga ma realize ng girlalu how much shes blessed dahil sya ang napili mo.

alam mo bang punong puno ako ng inggit sa bago mong babae. kasi sya ang gusto ng parents mo. kasi sa kanya na ang taong gusto ko legally. if  i only have another chance siguro nagiging masikap ako, nagiging seryoso sa buhay para at least you will be proud of me. pero happy na rin ako kasi kahit papaano pinaglaban mo ako sa mga instik kwakang mong mga magulang. traditon is tradition at ang hirap na baguhin yung mga nakasanayan na.

Thank you sa lahat lahat..

Post Navigation