God..di ako maarte pero please
Dear God,
Alam kong masyado na akong pinagpala at sino mang nasa lagay ko ay maiinggit (hahah feeling!!!). I am not complaining this time or asking for more. this is is just a simple request or opinion or suggestion. Ito’y para sa natatangi kong pag- ibig. pwede ba akong mag inarte, God?
sana naman sa kahuli hulihang pagkakataon, ipagtagpo mo naman ako sa taong totoong minahal ko ng lubos (waaaaa!!!), nainiyakan ko ng bonggang bongga na kulang na lang lumabas ang tae sa mga mata ko. bakit gusto ko syang makita? wala lang, i guess its about time na magkaroon na ng closure ang lahat (tama di ba???). nakakapagod na ring maghintay sa wala. ayoko ng seryosohon ang mga ilusyong pangako nya na ibibigay nya ang lupa at langit upang kami twina’y magkapiling. syet! nabagok na ako sa realidad na di pwedeng magsama ang mukhang mayaman at mukhang chima- aa
so sana naman this year na please.. ang pagwawakas ng una kong pag- ibig..oops i am not complaining ha..request lang po to…walang pwersahan! karma karma lang yan! heheheh
sana naman pag nag pray ako ng ideal person for me wag mo naman akong bigyan ng walang laman ang utak. di ba remember december 25, 2009 pinagtagpo mo kami ng ideal person ko. matangkad, di kaputian, may hitsura, at higit sa lahat ilonggo. pero wapak! wala namang sense kausap! habang nakahiga kami sa isang malambot na kama..family and science ang topic then kwento ng kwento sya ng accounting at kung saan saan napupunta ang mga kamay! ang laswa!
sana naman every break up bigyan mo naman ako ng moment na mag emote kahit 1-3 months lang. grabe ka naman di pa nga nagtatapos ang relasyon ayan may dumating na namang bago. eh di ba turo ng matatanda bawal tumanggi ng grasya? so wag niyo sana akong sisihin sa pagiging polygamous ko minsan (clarification before yun).
sana naman sa mga darating pa na tao sa buhay ko, pwede bang utusan mo naman si cupido na pagsabihan ang recruitment nila na wag muna puro call center agents ang i- endorse nya sa akin. wala bang ibang propesyon? last year halos 5 from bpo industry and this year naka tatlo na ako call center agents pa rin at pati ang bago ko ngayon from stylist then nag call center na rin! goshes! alam mo naman ang mga karamihan sa mga taga call center (no offense meant), parang natikman mo lang ang isang agent sa let’s say etelecare or people support eh parang natikman mo na rin ang lahat ng agent sa company na yan! lol
for a change ayoko na ring mag inarte, pwede na sa akin ang katulong with american accent , kargador na walang kalyo, or kahit na construction worker but make sure lang po na photogenic para naman di nakakahiya mag press release dito sa fb ng mga pics nila. alam niyo naman po dito sa fb pwedeng ma edit ang estado mo sa buhay as long as maganda lang ang mga pics mo!
again, i am not complaining or anything. alam kong super blessed na po ako! i am so thankful about it dear God. magsisimba na rin ako mamaya para sigurado! baka kasi busy po kayo at di kayo makapag log – in dito