dearest kuya willie
nakakaloka ang mga eksena. sa simpleng pagsayaw ng macho dancing ng isang Janjan, nagulo ang mundo ng twitter at naging pulutan pa itech sa mga taong tambay sa kanto, sa gym at kahit na sa trabaho.nakaka bwisit dahil napupuno na ang inbox ko sa isyung matagal na sana nailibing kung nag sorry na lang sya sa madalang people. dapat nag ala Kris Aquino na lang sya na buong ningning na sinabi sa sanlibutan na may STD sya. Mas malala pa nga ang rebelasyon ni Ate Kris at ngayon di man lang na apektuhan ang tiwala ng advertisers sa kanya at pati sa taong bayan.
Poor you kuya willie. Talagang di nya ugali ang magpakumbaba. Masyado syang emotional na tao. Cool lang Kuya! Marami ka ng na experience na mga ganitong eksena pero haggang ngayon di mo pa rin mawari ang iyong pagkakamali.gusto ko pabang banggitin si Mother Cory? I always believe n u that you dont have bad intention to others at hangad mo lang na ma entertain kami sa iyong programa. Nandyan na tayo…
PERO, dapat siguro pagtuonan mo ng pansin ngayon paano ma improve ang iyong hosting skill. Nasasangkot ka sa mga kontrobersiya dahil HINDI mo alam ano yung mga bagay na dapat bigyan ng entertain value or mga bagay na dapat na maging seryoso tayo. Hindi ibig sabihin na kung nakikita mong tumatawa ang mga audience ok na ang ginagawa mo. heller! baliw naman siguro ang audience na magrereak ng negative sayo pag alam nyang mali ang ginagawa mo. nakakatakot ka kaya :=) with smiley face..hehhehe
Sa pamunuan ng tv5 dapat siguro magkaroon ng short class or orientation on how to become an effective host para di na maulit ang mga ganitong pangyayari. tularan nila si Sir Manny Pangilinan..ang dami daming problema sa mundo pero nakikisangkot pa ang mga ganitong issue. For some parents, dapat din tlaga na maging responsable tayong mga magulang. Isipin ninyo ang kinabukasan ng mga anak mo. Maaring maraming natutuwa sa pinag gagawa ng inyong mga anak pero isipin niyo rin sana that 5 or 10 years na magkaroon na sila ng pag iisip matutuwa kaya sila sa kanilang ginawa? maaring ito pa ang mga dahilan na bumagsak ang self esteem at mapariwara ang buhay dahil sa panunukso ng mga classmates nila. Sana rin wag gawing kasangkapan ang kahirapan sa mga ganitong eksena.
PEACE everyone! Relax lang tayo ha…cool lang dapat!
in some point, ang dapat na mag-reklamo ay yung mga na-agrabyado ni willie.
kung di sila nag-reklamo, wala tayong karapatan na husgahan si willie.
ang tanong, nag-reklamo ba mismo ang mga taong sinasabing na-agrabyado ni willie? sila lang ang makakasagot niyan.
just my 2 cents
Abril 11, 2011 bandang 9:11 umaga
Kahit ano tatalunan ko na para matanggal si willie >:D Nanggagalaiti na ko sa kanya eh.
Abril 11, 2011 bandang 11:07 umaga
well the thing is as a tv host meron ka ring social awareness ano yung magiging impact ng ginagawa mo sa audience at di ka lang concern sa isang subject or interviewee. Kaya nga di ba sa isang tv host meron silang guidelines ano yung dapat lang na pwedeng gamitin na words so as not to offend the others or the public.
Hindi nga tayo ang pinasasayaw dun pero the people are reacting because we can see that there is really something wrong with that.
Abril 12, 2011 bandang 12:53 umaga