bago ka man dumating may nauna na sa iyo. Mau ang name nya. she’s quiet pretty at campus fashionista. pero di ko akalain nakatulog lang ako ng 1 hour may sumingit na sa puso nya. kaya hayon pinili nya ang kulay aeta at backstage ang beauty ko (in pernes, best of friends kami ni aeta ngayon). 3 years akong naghintay ng tamang pagkakataon. dumating si love. pero di ko akalain sa isang walang matris at uterus pala ako babagsak. kung nag indentity crisis ka nuon mas lalo na ako noh! ng dahil sayo naging conscious na tuloy ako sa mga gagawin ko. natutuliro ako baka isipin ng iba dyan na bakla ako. ok lang sana ang maging bakla pero not to our semi homophobic family.
the first time i saw u alam kong ikaw na ang magiging bad karma ko. after nabasted kasi ako ni mau, nasira na ang diskarte ko sa lovelife. kung kani kanino ako napadpad. pero di ko naman pinagbibili ang sarili ko ha. feeling ko at that time i am alone and i need to be loved. thats bullshit! mga apat or lima rin ang pinalit ko kay Mau but all of them were just part of my outrage. seryoso sila pero ako hindi.
Unang Pagtatagpo.
JANUARY 2005. unang nagkakilala tayo sa mirc, cebu channel ata yun. nagsend ka ng pic pero di naman kagwapuhan. nag send din ako ng pic na noo at leeg ko lang ang nakita mo. nakatakip ang mga kamay ko sa mukha ko. pero kahit ganun lang ang pic na yun naging instant hit yun sa iyo. hanggang sa we decided to meet at national bookstor on that very special day.
gray tshirt, 5″10 and chinito yan ang pagpapakilala mo sa mirc. parehong wala tayong dalang cel that time so nakasalalay ang outfit sa ating pagkikita. may nakita akong kahawig sa desciption na sinabi mo nakatayo sa horror section pero nahiya akong lumapit. alam mo naman siguro ang dahilan. kasi nagmukha kang maharlika at pinagtabi mo ako para lang akong malnourish na alipin sa palasyo mo.
but that’s not enough reason para di mo ako kausapin. nag “hi” ka at natulala naman ako na parang isang aso na naglalaway sa buto, nakalabas ang dila (eww..). pumunta tayo sa jollibee, wala kang imik. masyadong awkward moment yun para sa atin. pareho tayong takot baka may makakakilala sa atin . pareho tayong paranoid! di natin alam how we introduced ourselves if may magtanong. basta ang script lang natin nun ay we’r just long lost friends and bahala na si batman.
EASTWEST. pumunta tayo sa eastwest. dun medyo madilim ang lugar. di matao. sa simpleng tanong mo na “have u read the sunstar newspaper today?” nagsimula ang chemistry nating dalawa. dun ko nalaman kong gaano ka kasikat sa pinili mong larangan. pinakita mo sa akin ang newspaper. natalo nyo pala ang UP Diliman sa isang mind game. ang galing! so ibig sabihin di rin pala magkalayo IQ natin (yabang!) from there naging komportable tayo sa isa’t isa hanggang naging open tayo sa pagbibigay ng personal info. na di naman natin ginagawa sa ibang kakilala natin. nagkukuletan tayo sa mga naughty experiences natin from our past, failed relationships and how it’s hard to live up to our familys’ high demand and expectations.
natapos tayo sa eastwest at naglakad lakad. di ako makapaniwala na gusto mo rin pala ako kahit na mukha akong mochacho mo lang. wag mo ng ipaalala na kaya mo ako nagustuhan dahil sa mga pa genius effect ko. na amaze ka how i explained human behaviours, mga how and why nasagot ko lahat yun. syempre matalino kaya ako..hehhe joke! pero totoo yun ha! yabang!
TIME TO SAY BYE BYE
mga 10pm na yun ng we decided to separate our ways. gusto sana nating mag extend ng another hour pero u worried a lot kasi strict parents mo, baka hinahanap ka na, wala ka pang cel. naghiwalay tayo ng landas ng may pananabik. binigay mo pa ang cel number at talagang nag pray ako na sana di mali ang number na binigay mo sa akin. remember how many times i repeated to ask ur no. just to make sure 101% accurate talaga! binigay ko rin landline ko para makasigurong ma contact mo nga ako. sumakay ka ng jeep, naglakad lang ako na parang sinto sinto sa kaka smile sa daan. nagdi daydream ako kahit gabi na!!
isa yun sa mga happiest moments of my life. that day i felt so special again. that day i can say that you are better than Mau. that you are better than anyone else.
pag uwi ko sa bahay puno ng kabog ang aking dibdib. pero natatakot ako na baka yun na ang huling pagkikita natin. nararamdaman kong ikaw ang magiging kabayaran sa mga kalokohan ko sa iba, sa mga pinaasa at iniwan ko (naks feeling gwapo talaga!)
itutuloy..

ayus sa story a heheheh!
mukang hinukay mo pa nga sa baul tong entry na to.. hehehe.. nice
masarap magkwento talaga ng lab story sa blog… at sempre, masarap din magbasa ng ganitong lab story
[...] 19, 2008 by gugmagiatay ayaw ko sanang tapusin pa ang kwento ng miserable kong firstgay love (a very special love: unang pagtatagpo) pero wala akong magawa. puro love songs ang naririnig ko. nakaka inlove tuloy. okey heto [...]
[...] ko sanang tapusin pa ang kwento ng miserable kong firstgay love (a very special love: unang pagtatagpo) pero wala akong magawa. puro love songs ang naririnig ko. nakaka inlove tuloy. okey heto [...]